❴BOOKS❵ ⚦ Beerlenium (Beerkada, #1) Author Lyndon Gregorio – Thisbookse.co

Beerlenium (Beerkada, #1) chapter 1 Beerlenium (Beerkada, #1) , meaning Beerlenium (Beerkada, #1) , genre Beerlenium (Beerkada, #1) , book cover Beerlenium (Beerkada, #1) , flies Beerlenium (Beerkada, #1) , Beerlenium (Beerkada, #1) cbec1d37a41ef Join Glen, Alan, Bryan, Dana, Boopey, Jay, Harry, And Jimmy As They Try To Survive And Thrive In That Jungle Called College Features Dana Joining The Miss Colegiala, Bryan Running For Office, And The Infamous You Might Be Co O Series That Was Banned From The Philippine Star


10 thoughts on “Beerlenium (Beerkada, #1)

  1. says:

    Una sa lahat, bakit Beerlenium Hindi man tahasang sinabi ni Lyndon Gregorio ang dahilan, halata naman na ito ay pinagsamang Beerkada orihinal na pangalan ng comic strip at Millennium taong 2000 o pagpasok ng bagong milenyo nai publish ang kauna unahang compilation ng Beerkada Ayon pa kay Lyndon, noong 2005 ay nagkaroon ng reprint ang Beerlenium Noong taon ding iyan ko nabili ang kopya ko.Para sa mga hindi nakakaalam, regular na lumalabas ang Beerkada sa comics section ng The Philippine Star Dito sa Beerlenium pinakilala ni Lyndon Gregorio ang mga pangunahing tauhan sa comic strip Umiikot ang Beerkada sa walong magkakaibigan ang boy next door pero torpeng si Glen dela Costa, ang hopeless romantic na si Allan Polantoc, ang mataray na si Boopey Valenzuela, ang kikay girl na si Dana Aguila, ang matalinong engot na si Jimmy Goco, ang chickboy na manyak na si Bryan Strada, ang nerdy geek na si Harry Otto Galisaso, at ang aktibistang si Jay Bilasko Marami pang nadagdag na mga tauhan sa paglipas ng panahon Medyo cute ang pagkaka drawing sa kanila ni Lyndon Gregorio dahil mala chibi sila malaki ang ulo, malaki ang mata, walang ilong, at aapat lang ang daliri sa isang kamay.Dahil real time ang takbo ng istorya ng Beerkada, mababasa sa unang apat na libro ang pakikipagsapalaran nila sa magulong mundo ng kolehiyo, at kasunod ang mas malupit pang mundo sa labas ng eskwelahan sa mga sumunod na libro.Ang pinaka hindi ko makakalimutang kuwento sa Beerlenium ay noong tumakbong presidente si Bryan Strada sa kanilang student council para pigilan ang pagsasara ng isang beer place malapit sa eskwelahan Nakakaaliw yung mga isiningit na slogans ni Lyndon Gregorio sa comic strip dahil may pagka subliminal kahit may pagka corny SHIT Strada Hates Idiotic Teachers BASTOS Bryan Aspiring Servant To Our Students VIAGRA Vote In A Gwapo Right Away BAOG Bryan An Okay Guy ETITS Elect The Ideal Trouble Shooter BOOBS Bryan Organizer, Orator, Beer lover, Student BAHO Bryan Ang Hanep, Odiba Bukod sa Kikomachine Komix at Pugad Baboy, nangongolekta rin ako ng comic strip compilation ng Beerkada Sa katunayan, halos kumpleto ako nito liban na lang sa Abakada na sa pagkakaalam ko y 11th Beerkada compilation Iyang tatlong yan ang kinalakihan kong babasahin noon bukod pa sa Pupung comics at Archie at hindi yung Harry Potter series, kaya hindi na siguro kataka takang iisa pa lang ang nababasa kong libro ni J.K Rowling biglang magugulat ang lahat.